Ang Aking Papa

Yung bumyahe kayo bilang isang pamilya gamit ang sariling sasakyan,

tapos inabutan na kayo ng dilim sa daan.

Bigla pang bumuhos ang malakas na ulan 

kaya ang hirap makita nang maayos ang pangalan ng mga daan.

Madilim.

Mahabang byahe. 

Dinig pa nga ang kalampag ng mga bagahe.

Pero ni minsan, hindi ako nakaramdam ng takot.

Wala man lang akong naramdamang kaba.

Kasi ang may hawak ng manibela 

ay ang aking Papa.

Maraming salamat po sa mga kwento

mo habang ika’y nagmamaneho,

bago kami matulog,

habang kumakain,

pagkatapos magmisa,

sa dulo ng movie or palabas sa TV na maganda.

Salamat po sa iyong pagmamahal at inspirasyon

na binibigay mula noon…hanggang ngayon.

Happy birthday to the first man I have ever loved and will always love. ❤️